Saan ka patungo?

Isipin mo na ikaw ay mag-isang naglalakbay sa daan na sa malao’t madali ay nahahati sa dalawa: ang isang landas ay baku-bako at mahirap, habang ang isa ay patag at maginhawang daan, dahilig pababa sa kapatagan.

Ang unang daan ay hindi pantay, batuhan at puno ng matinik na mga halaman at nakatagong mga panganib. Ito rin ay matarik at nakakapagod. Gayunpaman, ang mga namamahala ay naglagay ng paalala sa umpisa ng landas na: KAHIT NA ANG LANDAS NA ITO AY MAHIRAP SA SIMULA, ITO SA MALAO’T MADALI AY DADALHIN KA SA IYONG PATUTUNGUHAN.

Para sa ikalawang landas, ito ay aspaltado at ang dalawang gilid nito ay nataniman ng mga punongkahoy at mga bulaklak, at may maraming mga kapeterya at mga lugar ng liba-ngan. Ang manlalakbay sa landas na ito ay mahahanap niya lahat ng kanyang pangangailangan upang masiyahan ang kanyang mga pandama. Ngunit ang paalala sa simula ng landas na ito ay nagbababala: ITO AY MAPANGANIB AT NAKASISIRANG DAAN. ITO AY AAKAYIN KA SA BANGIN AT TIYAK NA KAMATAYAN.

Alin sa dalawang landas ang iyong pipiliin? Kadalasan, ang kalikasan ng tao ay pipiliin ang madaling paraan dahil ito ay parang walang pagpupunyagi, nakakapagpasiya at hindi ito nangangailangan ng anumang paghihirap. Pipiliin nitong pumunta sa kanyang sariling landas at upang kalagin ang kanyang sarili sa lahat ng mga pangako at mga tungkulin. Ang Diyos ay nilikha itong simbuyo ng tao, at bawat isa, kapag pinabayaan sa kanyang sarili, ay susundan ang ikalawang landas. Ngunit, ang isipan ng tao ay namamagitan doon sa pinagdugtungan ng dalawang landas at didiinan ang mga preno. Ito ay nanghihikayat sa tao na magnilay-nilay at timbangin ang kanyang mga pamimilian. Pipiliin ba niyang magpakasaya sa maigsing kasiyahan na sinusundan ng pirmihang pagdurusa, o ang maikli at panandaliang panahon ng pagdurusa, na sinusundan ng walang hanggang kaligayahan at kasiyahan? Sa malao’t madali, pipiliin niyang tahakin ang unang landas.

Ang mga halimbawang ito ay naglalarawan ng paghahambing sa pagitan ng Paraiso at Impiyerno. Ang landas patungo sa Impiyerno ay puno ng mga kasiyahan na tinatamasa ng puso ng tao: mga tukso tulad ng nakakabighaning kagandahan, mga kasiyahang pandama at kayamanan na nanggaling sa kahit anumang paraan, at ang uri ng kasiyahang pangmateryal na hinahanap ng karamihan. Maliban dito, ang walang hangganang kalayaan sa paggawa at pagpapabaya sa lahat ng anyo ng panunupil ay naranasan din sa landas na ito, dahil ang tao ay kumikiling na naisin itong uri ng kalayaan mula sa mga anyo ng panunupil.

Ang landas patungo sa Paraiso ay tiyak na hindi higaan ng mga rosas. Ang tao ay haharap sa di-maulatang mga paghihirap at mga pagdurusa at manatili sa maraming pagbabawal at ang pagnanasa na malabanan ang mga pananabik ng puso. Gayunpaman, yayamang ang kahihinatnan ng pagsunod sa mga panandaliang kasiyahan ng buhay ay mag-aakay sa pirmihang pagdurusa sa Impiyerno, ang gantimpala sa pagsunod sa mas mahirap na landas ay walang katapusang kaligayahan at kasiyahan  sa susunod na buhay.

Ito manapa’y tulad ng mag-aaral sa gabi ng kanyang pagsusulit. Siya ay napipilitang iwanan ang kanyang pamilya na nanonood ng telebisyon, ngunit siya ay kinakailangang mag-aral para sa pagsusulit. Ngunit, pagkatapos ng panandaliang kalungkutan, siya ay magtatamasa sa kanyang tagumpay. Ang isa pang halimbawa ay ang kaso ng maysakit na kinakaila-ngang iwasan niya ang ilang masasarap na mga pagkain. Ang kanyang tagumpay ay mababawi niya ang kanyang kalusugan.

Ang Diyos ay naglagay ng dalawang landas sa ating harapan at Siya ay naglikha ng mga pakuldad (kakayahan) sa loob natin nang makayanan nating makilala ang pagkakaiba ng dalawa upang ang bawat isa, ng di binibigyang-pansin ang kanyang pinag-aralan, ay magkaroon ng kakayahang pagbukurin ang pagitan ng kabutihan at kasamaan.

Ito ay nangangahulugan na sa parehong paraan kagaya ng kapag tayo ay gumawa ng anumang kabutihan ay nararamdaman natin ang kaginhawaan ng may malinaw na budhi, kapareho din na tayo ay nababalisa kapag tayo ay gumawa ng anumang kasamaan.

Ang pakultad na ito ay hindi lamang nakatakda sa sangkatauhan; ang mga hayop ay pinagkalooban din. Tulad halimbawa, kapag inihagis mo ang isang piraso ng karne sa pusa, ito ay kanyang kakainin sa iyong harapan sa kaganapang maluwag na paraan. Ngunit kung ito ay inagaw ang karne mula sa iyo, ito ay tatakbo sa isang tabi at kanya itong lalamunin kaagad upang hindi mo siya makita at agawin muli ang karne! Kaya ating makikita sa halimbawang ito na sa unang pagkakataon, ang budhi ng pusa ay malinaw dahil nararamdaman niya na ang karne ay kusang ibinigay sa kanya, samantalang sa pa-ngalawang halimbawa, ang kanyang tugon ay nagpapahiwatig na alam niya sa kanyang likas na simbuyo na siya ay nakagawa ng karahasan. Sa ibang salita, nakilala nito ang pagitan ng tama at mali, at kung ano ang ‘ipinapahintulot’ at kung ano ang ‘ipinagbabawal.’

Ang aso din ay lalapit at didilaan ang kanyang amo kapag nakagawa ito ng anumang mabuti na parang humihingi ito sa kanya ng gantimpala. Ngunit kapag ito ay nakagawa ng kalokohan, ang aso ay malatupa (maamo), na parang nagsisisi sa kanyang nagawa o inaasahang siya ay mapaparusahan.

Ito ay ang pagpapaliwanag ng talata sa banal na Qur’an na nagsasabing: “Hindi ba Namin ipinakita sa kanya ang dalawang landas (ng kabutihan at ng kasamaan)?” [Al-Balad 90:10]

Advertisements