Paraan ng pagsasatitik

Ang transliterasyon ay ang pagsusulat o pagsasatitik [ng isang letra o salita) sa pinakamalapit na katumbas na titik sa ibang alpabeto o wika.

Dahil sa magkakaibang paraan ng transliterasyon, kadalasan ang mambabasa ay nawawalan ng gana sa kalaunan at hindi na tuloy tatapusin ito. Wala pang sinusunod na yuniporming transliterasyon ng ilang titik ng Arabik, kaya ako ay sadyang gumawa ng transliterasyong espesyal para sa mga Pilipinong balik-Islam upang makatulong pansamantala sa mga gustong magbasa kaagad ng banal na Qur’an. Gayunman, mariing inirerekomenda na pag-aralan ang wikang Arabik upang kahit papaano ay maintidihan ang kahulugan ng binabasa at pinakamainam na pag-aralan din ang Tajwid upang mabasa ito sa wastong paraan.

Ibinatay ko po ang sistema mula sa dalawang website [mangyaring suriin ang aking talasanggunian] na sa aking personal na palagay ay ang pinakamahusay sa ngayon. Isinatitik ko po sa eksaktong paraan ng pagbasa, hinati sa eksatong bilang ng mga kataga sa Arabik, na ang bawat kataga ay eksaktong hinati sa bilang ng mga pantig [syllable]. Ang mga dobleng patinig [vowel] ay hindi ginamit dahil may posibilidad na ang pangalawang patinig ay basahin ng karamihan bilang ekstrang pantig.

Dahil sa iba’t-ibang mga punto [accent] ng mga Pilipino, hindi rin ginamit ang mga letrang “E” at “O” dahil sa isa pang simpleng dahilan; maaaring ang ilan ay basahin ng malambot ang “E” tulad ng “best” sa halip na “beast,”  at ang “O” tulad ng “lost” sa halip na “loose.”

Halimbawa: sa halip na Besmi Allaahi Al-Rahmaani Al-Raheem, ito ay isinatitik na Bis-mil-lā-hir raḥ-mā-nir ra-ḥīmi.

  • Dahil sa limitado lang po ang aking magagawa sa libreng wordpress, sa actual post po ay hindi ko malagyan ng mga numero ang Arabik, kaya sa Filipino nakalagay. Ang transliterasyon ay nakasulat po sa “italics” (padahilig) upang maiba sa translasyon.
  • Ang huling letrang superskrip [nakasulat sa itaas ng linya] ay nagpapahiwatig ng susunod na patinig kapag patuloy ang pagbabasa. Limitado lang po ang maaari kong gawin sa libreng wordpress, kaya kapag ang superskrip ay hindi gumana, ito po ay nakasulat sa “open and close parentheses.”
  • Ang mga titik na may linya sa taas nito ay nangangahulugan ng mahabang patinig [na may dalawang pagbilang].
  • Ang mga mahihirap na titik ay walang katumbas sa alpabeto natin, ang mga markang dyakritiko ay ginamit upang malaman ang pagkakaiba ng dalawang letrang magkatulad ang transliterasyon. Sa mga titik sa talaan sa ibaba, ang mga may tuldok [o linya] sa baba nito ay upang bigyang-diin ang katinig [consonant].
  • Binabasa natin ang titik “J” na “H” ngunit pagdating sa Qur’an, dapat na basahin na “dyi” ang titik “J” tulad ng “Jabal,” basahin na “dyabal” sa halip na “habal.”
  • Ang kudlit (apostrophe) bago ang patinig [‘a – ‘i – ‘u] ay titik “Ayn” at ang kudlit pagkatapos ng patinig [a’ – i’ – u’] ay “Hamzah” (nakasulat lamang kung nasa gitna ng kataga upang makilala sa titik “Ayn.”)
  • Upang hindi malito, ang salungguhit [underscore] ay ginamit lamang sa “Madd Lazim,” pagpapahaba ng pagbasa na may anim na pagbilang]. Ito ay dahil ang lahat ng iba pang mga Madd (pagpapahaba) ay maaaring basahin ng dalawang pagbilang.
ا Alif = a ض Ḍād =
ب Bāa’ = b ط Ṭāa’ =
ت Tāa’ = t ظ Dhāa’ =
ث Thāa’ = th ع ‘Ayn =
ج Jīm = j (dyi) غ Ghayn = gh
ح Ḥāa’ = ف Fāa’ = f
خ Khāa’ = kh ق Qāf = q
د Dāl = d ك Kāf = k
ذ Dhāl = dh ل Lām = l
ر Rāa’ = r م Mīm = m
ز Zay = z ن Nῡn = n
س Sīn = s ه Hāa’ = h
ش Shīn = sh و Waw = w/o/u
ص Ṣād = ي Yāa’ = y/e/i
ء Hamzah =