Hamzah

HAMZATUL QAT’ (همزة القطع) Ang Hamzah na pumuputol

Ang Hamzatul Qat’ ay kinakatawan ng simbolong ito (ء).Huwag itong ipagkakamali sa titik AlIf (ا),ngunit ito ay kadalasang matatagpuan sa titik na ito (أ o إ). Ang tunog ng Hamzatul Qat’ ay lalabas sa pamamagitan ng pagputol sa daloy ng hangin sa tatagukan (windpipe), pagkatapos ay pakawalan ito para huminga.

Ito ay matatagpuan sa simula, gitna o hulihan ng isangkataga. Lumilitaw ito sa sarili niyang pako (ء) at lumilitaw din ito sa tatlong titik patinig (أَ ؤُ ئِ), na karaniwang tinutukoy bilang “upuan” lamang nito.

HAMZATUL WASL (همزة الوصل) Ang Hamzah na patuloy

Ang Hamzat Al-Wasl ay matatagpuan sa lahat ng mga titik (Haruf), mga pangngalan (Asma), at ganoon din sa mga pandiwa (Af’al). Sa wikang Arabik, ang pangungusap ay hindi nagsisimula sa Sukun. Kapag ang unang titik ng kataga ay Sakin (katinig), dapat na may Harakah ang Hamzat Al-Wasl upang bigkasin ng Sukun, tulad ng (اْرجعوا).

A. May Hamzat Al-Wasl sa Harf (titik), palaging magsimula sa Fathah na may Hamzah. Halimbawa: (ألْ), kaya kapag magsimula, sabihin ang (آل), tulad ng (اْلحمد), sabihin ang (آلحمد).

B. Kapag ang kataga ay Fa’al (pandiwa), ang ikatlong titik ay ibinibilang.

  • Kapag ang ikatlong titik ay Dhammah, magsimula sa Fathah, tulad ng (اْعبُدوا الله), sabihin ang (اَعبُدوا).
  • Kapag ang ikatlong titik ay Fathah, magsimula sa Kasrah, tulad ng (اْشْرَح), sabihin ang (اِشْرَح).
  • Kapag ang ikatlong titik ay Kasrah, magsimula sa Kasrah, tulad ng (ارْجِع), sabihin ang (اِرْجع).
  • May apat na Fa’al na nagsisimula sa Dhammah, magsimula sa Hamzatul Wasl na may Kasrah (اْقضوا-اْقضوا /ابنَوا  -ابنَوا /امشوا – امشوا / ائتوا- ايتوا)

C. Kapag ang kataga ay Esm (pangngalan), magsimula sa Kasrah (استكباراً).

ID-GHAM SA-GHIR

ito ay nangyayari kapag ang titik na Sakin ay nangunguna sa titik patinig, na sila ay magsasanib upang maging iisang titik na may Shaddah sa taas nito.

Tatlong uri ng Id-gham Sa-ghir:

I. MUTAMATHILIN (متماثلين) dalawang magkahawig na titik

  • MutamathilinKabir: parehas na mga titik at parehas sa Makhraj, Sifat at Harakah, tulad ng (جـَعـَلَلـَكـُم), patakaran: Idh-har ng Lam.
  • Mutamathilin Saghir: parehasna mga titik at parehas sa Makhraj at Sifat ngunit magkaibang Harakah, tulad ng(بـَلْ لَّجوا), patakaran: Id-gham ng Lam.
  • Mutlaq: parehas na mga titik at parehas sa Makhraj atSifat, ang unang titik ay Mutaharrak at ang pangalawa ay Sakinah, tulad ng (ضَـلـَّلـْنا).

II. MUTAQARIBIN (متقاربين) dalawang magkatabing titik

  • MutaqaribinKabir: magkaibang mga titik ngunit magkalapit sa Makhraj at parehas sa Harakah
  • Mutaqaribin Saghir: magkaibang mga titik ngunit magkalapit sa Makhraj atmagkaiba sa Harakah.
  • Mutlaq: magkaibang mga titik ngunit magkalapit sa Makhraj, angunang titik ay Mutaharrak at ang pangalawa ay Sakinah.

 III. MUTAJANISIN (متجانسين) dalawang magkaparehas na titik

  • MutajanisinKabir: parehas ang Makhraj at Harakah ngunit magkaibang Sifah.
  • Mutajanisin Saghir:parehas ang Makhraj at magkaibang Harakah.
  • Mutlaq: parehas ang Makhraj, ag unangtitik ay Mutaharrak at ang pangalawa ay Sakinah.

*MUTABA’IDIN (متباعدين) dalawang magkaibang titik na magkalayo sa isa’t isa

  • Mutaba’idinKabir: magkaibang Makhraj at Sifah ngunit parehas ang Harakah; patakaran:Idh-har.
  • Mutaba’idin Saghir: magkaibang Makhraj, Sifah at Harakah.
  • Mutlaq: magkaibangMakhraj at Sifah; ang unang titik ay Mutaharrak at ang pangalawa ay Sakinah.

Iltiqa As-Sakinin (التقاء الساكنين) Pagtatagpo ng dalawang Sukun

Kapag nagtagpo ang dalawang titik na parehas na Sukun, sa gayon angunang titik ay magiging Mutaharrak at ang pangalawa ay mananatiling Sukun. Kapagpatuloy ay pagbabasa, huwag itong banggitin, kapag hihinto, ito ay banggitin.

Halimbawa:

  • Ad-Dukhan 44:32 (وَلَقَدِ اخْتَرْناهُم)
  • Al-Araf 7:22 (ذَاقَاالشَجَرَة)

Link/s:

  1. Tajweed Me
  2. Hamzah
  3. Essentialilm