Tajwid

Ang TAJWID ay nangangahulugan ng tamang pagbigkas ng banal na Qur’an sa mga partikular na salita nito sa wikang Arabik tulad ng direktang pagkapahayag ni Allah sa pamamagitan ni anghel Jibril kay Propeta Muhammad (sallallahu aleyhi wasallam). May dalawang panig ang Tajwid: ang praktikal at ang teoretikal. Ang Tajwid ay DAPAT na pag-aralan para sa pagbigkas ng banal na Qur’an, lalo na sa mga dasal. Ang pagbabasa ng banal na Qur’an ay isang uri ng pagsamba katulad ng mga dasal, kaya dapat na ito ay bigkasin ng wasto.

Mga patakaran ng ISTI’ADHAH at BASMALAH

  1. Pagdugtungin lahat ang Isti’adhah, Basmalah at simula ng Surah
  2. Paghiwalayin lahat ang Isti’adhah, Basmalah at simula ng Surah
  3. Pagdugtungin ang Isti’adhah at Basmalah, huminto at pagkatapos ay magsimula sa simula ng Surah
  4. Huminto pagkatapos ng Isti’adhah, pagdugtungin ang Basmalah sa simula ng Surah

Mga patakaran ng pagtatapos ng naunang Surah at pagsisimula ng susunod na Surah

  1. Pagdugtungin lahat ang katapusan ng naunang Surah, Basmalah at simula ng susunod na Surah
  2. Paghiwalayin lahat ang katapusan ng naunang Surah, Basmalah at simula ng susunod na Surah
  3. Huminto sa katapusan ng naunang Surah, pagdugtungin ang Basmalah sa asimula ng Surah

Dalawang uri ng mga titik Arabik

  1. Mutaharrek (متحرك) gumagalaw
  2. Sukun (سكون) hindi gumagalaw maliban sa mga titik (ن) at (م)

HARAKAT (حركات)

Ang mga ito ay hindi maaaring bigkasin na mag-isa maliban kung ito ay nauugnay sa mga titik. Ang mga paggalaw na ito ng bibig ay tinatawag na Harakat (pang-isahan: Harakah) at ang titik ay tinatawag na Harf (pangmaramihan: Haruf).

  1. Ang Fathah ay ang pagbuka ng bibig at ang marka nito ay َ_
  2. Ang Dhammah ay pagbilog ng bibig at ang marka nito ay ِ_
  3. Ang Kasrah ay pag-inat ng babang labi at ang marka nito ay _ٌُ

Ang Harf (حرف) ay nangangahulugan na gumawa ng tunog.

Ang Sukun (سكون) ay ang kawalan ng patinig at ang marka nito ay  ْ sa taas ng titik o  walang marka sa taas nito.

Ang Shaddah (شدة) ay ang pagdoble ng parehas na titik at ang marka nito ay ّ . Ang unang titik ay palaging Sukun at ang pangalawa ay patinig na nasa itaas ng Shaddah tulad ng (بَّ  = بـْبَ)

Dalawang bagay na dapat sundin sa pagbigkas mga titik Arabik upang bigyan ang bawat titik ng mga karapatan nito upang masiguro ang kanilang tamang pagbigkas.

  1. Makhraj (مخرج) (pangmaramihan: Makharij) labasan: Ito ang punto ng pagbigkas ng bawat titik. Ito ang lugar kung saan lalabas ang tunog ng titik.
  2. Sifat (صـفات) (pang-isahan: Sifah) mga katangian: Ito ang mga katangian ng bawat titik upang makilala ito mula sa iba pang mga tunog.

Mga paraan upang subukin ang Makhraj ng anumang titik Arabik

  1. Bigkasin ang titik na may Sukun o Shaddah at lagyan ng Hamzah ang unahan ng titik na sinusubukan tulad ng (أخْ – أقَّ)
  2. Pagkatapos ay tingnan ang posisyon ng dila, damhin kung saang bahagi ng lalamunan lumalabas ang tunog ng titik.

Mga 5 pangkalahatang MAKHARIJ at ang mga SUB-MAKHARIJ nito

1. Al-Jawf (الجوف) dibdib/panloob: Ang mga pinahabang titik (حروف المد) ay tinawag na ganito dahil ang tunog ng mga titik ay maaaring madaling mapahaba. Ang mga titik na ito ay binibigkas mula sa itaas na lugar ng dibdib sa pinagsama sa katagang (نوحيها).

May tatlong mga titik ng Madd (حروف المد) na tinatawag din na Madd Tabi’i.

  • Alef Sakinah na pinangunahan ng Fathah: halimbawa (قَـا)
  • Waw Sakinah na pinangunahan ng Dhammah: halimbawa (قُـو)
  • Ya Sakinah na pinangunahan ng Kasrah: halimbawa (قِـي)

2. Al-Halq (الحلق) lalamunan: 6 titik; 3 sub-Makharij

  • Pinakamalapit na bahagi ng lalamunan sa dila (خ غ)
  • Gitnang bahagi ng lalamunan (ح ع)
  • Pinakalalim na bahagi ng lalamunan (هـ ء)

3. Al-Lisan (اللسان ) dila: 18 titik; 10 sub-Makharij

  • Dulo ng dila at mga gilid ng mga ngipin sa taas (ذ ث ظ)
  • Dulo ng dila at mga ugat ng mga ngipin sa taas (د ت ط)
  • Dulo ng dila at sa pagitan ng mga ngipin sa taas at baba (س ض ز)
  • Dulo ng dila at ang taluktok ng bunganga (ن)
  • Pinakamalapit na bahagi ng dila sa lalamunan (ك ق)
  • Gitnang bahagi ng dila (ش ج ي)

4. Ash-Shafatayn (الشفـتـين) mga labi: 4 titik; 2 sub-Makharij

  • Pagitan ng mga labing bahagyang bukas (ف و)
  • Pagitan ng mga labing nakabukas (م ب)

5. Al-Khayshum (الخيشوم) ilong: ang tunog kapag binigkas mula dito ay tinatawag na Ghunnah.

Ghunnah (الغنة)

Ang literal na kahulugan ng Ghunnah ay ang pagripiki o “ringing” (رنين) sa daanan ng ilong. Sa Tajwid, ang Ghunnah ay isang katangian ng (ن) at (م). Ito ay isang tunog na nagmumula sa ilong habang ang daloy ng tunog ay nahaharangan sa bibig. Ang Ghunnah ay nangyayari lamang sa mga titik. Ang Makhraj ng Ghunnah ay ang daanan ng ilong tulad ng AL-Jawf (dibdib/panloob) na isa lang Makhraj.

Ang Ghunnah ay nangyayari rin sa ibang pagkakataon na tatalakayin sa ilalim ng mga patakaran ng (ن) at (م). Ang Makhraj ng (ن) at (م) ay sabay na magmumula sa medyo bahagi ng bibig (الفم) at sa medyo bahagi ng daanan ng ilong. Kapag ang (ن) at (م) ay nadoble na ipinapahiwatig ng Shaddah, ang Ghunnah ay tatagal ng 2 pagbilang. Halimbawa: (إنّ) at (ثمّ)

Mga antas ng Ghunnah

Kapag ang titik na susunod dito ay magaan, sa gayon ito ay magaan din. Kapag ang titik ay mabigat, sa gayon ito ay mabigat din.

  1. Pinakamalakas: (نّ) at (مّ) = magaan; Idgham = magaan
  2. Napakalakas: (نْ) at (مْ) Ikhfa = magaan maliban kung sinusundan ng mga mabigat na titik (ط ظ ض ق) = mabigat; Iqlab = magaan
  3. Malakas: Ith-har = magaan
  4. Pinakamagaan: may Harakah at may Sukun = magaan

Link: Tajweed Me

Susunod: Madd