D’awah, pamana ng mga sugo

Ang Diyos ay naghirang ng mga tiyak na tao (lalaki) upang mangaral at maggabay sa sangkatauhan sa landas ng Paraiso. Sila ang mga sugo (propeta). Ang landas ng Impiyerno ay mayroon ding mga aakit sa mga tao patungo dito. Sila ang mga kaaway ng Diyos.

Ang mga Ulama (mga pantas at mga namumuno sa relihiyon) ay sumusunod sa mga bakas ng mga sugo. Si Fatima, anak ng ating Propeta Muhammad ﷺ ay hindi nagmana ng ari-arian o kayamanan mula sa kanya. Ang mga Ulama ay minana ang Da’wah (ang gawaing pagpapalaganap ng balita ng kanyang relihiyon) mula sa kanya. Sinuman ang maisakatuparan ang gawaing ito ng may ganap na kadalisayan at sa pinakamalayong maaabot ng kanyang kakayahan ay karapat-dapat na maparangalan ng pamanang ito.

Ang Da’wah ay mahirap, nabigyan ang tao ng masidhing pagnanasa para sa kalayaan, kung saan ang relihiyon ay gustong mahigpitan ito. Ang relihiyon ay nagsusumikap na pigilin ang kalikasan ng tao kapag ito ay nawala sa landas at pumayag sa bawat kasiyahan. Ang relihiyon ay nakahandang tumugon sa anumang tukso na gumawa ng kasalanan o kumilos ng may kahalayan.

Ang kalikasan ng tao ay manapa’y tulad sa isang tangkeng puno ng tubig, na nakalagay sa ituktok ng burol. Madali lamang masira ang tangke: tusukin mo lamang ng anumang matalas na bagay at ang tubig ay aagos ng wala sa oras, at babahain ang kapatagan sa ibaba nito. Ngunit kung gusto mong kargahan ang tangke, ito ay naiibang usapin. Ikaw ay kinakailangang dumaan sa maraming paghihirap, magpapatayo ka ng gripo at gagasta ka ng malaking halaga ng salapi.

Heto pa ang isang halimbawa upang maisalarawan ang kahinaan ng tao. Kung gusto mong dalhin ang mabigat na talampas (malaking bato) sa paanan ng bundok, ang kailangan mo lamang gawin ay itulak ito ng marahan at ito ay kusang gugulong pababa, – ngunit ang dalhin ito pabalik sa ituktok ay napakalaking trabaho! At iyan ang paraan ng kalikasan ng tao.

Ang kaibigan na hindi sumusunod sa mapanampalatayang daan  ay maaaring mabanggit sa iyo tungkol sa magandang babae na naghahanapbuhay sa pamamagitan ng hubo’t hubad na pagsasayaw, at ikaw ay maaaring matukso at sumama sa kanya at makita siya. Kung ang isang relihiyosong tao ay lalapit sa puntong ito upang pangaralan na huwag makipagkita sa babae, matatagpuan mo na parang mahirap pigilin ang tukso at makinig sa kanyang payo.

Sa mga nagkakalat ng kasamaan ay hindi na masyadong magsisikap  upang ikalat ang kanilang kabalakyutan, samantalang sa mga nagtataguyod ng mga moral na pamantayan at mara-ngal na mga gawain ay kinakailangang dumaan sa malaking pagsusumikap. Ang ‘tagakalat ng kasamaan’ ay taglay ang lahat ng mga dahilan na naglalaro sa kahinaan ng tao sa mga dulo ng kanyang mga daliri: ang mga alindog na pambabae na walang hiyang nakatiwangwang, ang pagnanasang seksuwal at madaling pagkuha sa anumang naisin ng pandama.

Papaanong ang mga mangangaral ng Islam ay makipagpaligsahan sa lahat ng mga kasiyahang ito? Ano ang kanilang maiaalok sa halip ng mga ito? Simpleng pagpipigil at katamtaman.

Maaaring matagpuan mo ang iyong sarili na nakatingin sa isang babae na hindi nakatalukbong, na sa mga Muslimah ay kinakailangang isuot, at maaaring ikaw ay magpantasiya tungkol sa hugis ng kanyang katawan. Sa puntong ito, ang mangangaral ay sasabihin sa iyo na ibaba mo ang iyong paningin at huwag titingin sa kanya.

Ang isa pang halimbawa ay ang mangangalakal na natagpuan na ang pagpapahiram ng salapi sa mataas na halaga ng tubo ang pinakamahusay at pinakamadaling paraan ng pagpaparami ng salapi. Ngunit ang mangangaral ay papayuhan siya na huwag magpayaman sa ganitong paraan. Ang empleyado ay maaaring mapansin ang kasamahan sa trabaho na tumatanggap ng suhol na katumbas ng kanyang anim na buwang suweldo at isipin kung gaano ang kahalagahan sa kanya at sa kanyang mag-anak kung ito ay kanyang gagawin din. Ang mangangaral, datapuwa’t, ay makikialam sa puntong ito na nagpapayo sa kanya na supilin ang kanyang sarili mula sa pagsasagawa ng naturang gawain.

Ang mga gurong pangkaluluwa ay nagpapayo sa lahat ng ganitong uri ng tao, na nagbababala sa kanila na iwasan ang mga panandaliang kasiyahan na darating sa kanilang landas, – na iwanan ang mga tukso sa mundong pisikal para sa di-nakikita: na hindi nila maunawaan sa sandaling iyon. Sila ay nagbibigay inspirasyon sa kanila na supilin ang kanilang mga mahinang kalooban at mga pagnanasa ng kanilang mga puso, kahit na ito ay nangangailangan ng ibayong pagsisikap at ito ay mabigat na pananagutan. Hindi dapat na nakapagtataka na ating isalarawan ang relihiyon bilang isang mabigat na pananagutan. Katotohanan, ang Makapangyarihang Allah ay isinalarawan ito ng ganito sa banal na Qur’an:

“Katiyakan! Pagkakalooban ka namin ng mabigat na balita.” [Al-Muzzammil 73:5]

Bawat marangal na gawain ay natitimbang hanggang sa kaluluwa ng tao. Sa halimbawa na ating namalas, sa mag-aaral na iniwan ang kanyang mag-anak na nanonood ng telebisyon upang magbalik-aral para sa kanyang pagsusulit, siya ay walang pag-aalinlangan na nabagot na! Mahirap din para sa isang mag-aaral ng karunungan na kalagin ang kanyang sarili mula sa mga pagpupulong panlipunan kung saan siya ay nasisiyahan, para sa kapakanan ng pagbabasa at pagtuturo. Parehas din sa isang tao na nagising sa madaling araw upang isagawa ang Fajr (dasal sa bukang liwayway). Katulad din ng lalaki na lilisan para sa landas ng Jihad (sagradong labanan) na kumuha ng mabigat na pananagutan sa kanya, kapag nagpaalam na siya sa kanyang asawa at mag-anak.

Tayo samakatuwid ay matatagpuan natin na malayong mas maraming masasama at hindi karapat-dapat na mga tao sa kapaligiran kaysa sa kabaligtaran nito. Sa mga naaalala ang Diyos at pabayaan Siyang patnubayan sila ay malayong mas kakaunti kaysa sa mga pinili ang ‘madaling landas.’ At ito ang dahilan kung bakit mapanganib para sa atin na bulagang mahulog sa hilera ng karamihan.

“Ngayon kung ikaw ay makikinig sa karamihan sa mga (nakatira) sa lupa, sila sa halip ay iwawala ka mula sa landas ng Diyos.” [Al-An’am 6:116]

Gayunpaman, kung ang kakulangan at di-karaniwan ay hindi katangian ng katanyagan at kahigitan, ang mga diyamante ay hindi sana mahirap matagpuan at ang karbon ay hindi sana sa ganyang kasaganaan. Ni ang mga dakilang lalaki ng katalinuhan, mga matatapang na bayani at mga lalaki ng karangalan ay hindi sana naging madalang at malayo ang pagitan.

May bahagi ng ating sariling panloob na tinatanggap ang mga katuruan ng mga sugo, at ang isang bahagi na napagbago ng mga taong nawala na sa landas. Ang karunungan ng tao ay ang bahagi na nakakaunawa ng katotohanan at ng pamamaraan ng mga sugo; at may isang bahagi na nag-uudyok sa atin sa kasamaan.