May pag-asa ka pa

Gayunpaman, pinapatawad ng Diyos ang Muslim na nagkulang sa pagsasagawa na isagawa ang ilan sa kanyang mga tungkulin at sinuway ang ilan sa mga batas ng Islam ngunit nagsisisi at humihingi ng kapatawaran. Sa ibang banda, ang Muslim na hindi nagsisi ay ipinapalagay na isang rebelde, na mapaparusahan sa susunod na buhay. Ang kaparusahang ito ay magiging, kahit papaano, ay panandalian lamang at hindi magiging kapantay sa kaparusahan ng isang di-mananampalataya.

Para sa isang Muslim na tumangging kilalanin anuman sa mga saligan o paniniwala ng prinsipyong Islamiko, tinatanggihan ang kanyang mga tungkulin at mga kautusang Islamiko o itanggi kahit na ang pinakamaliit na detalye na nakabalangkas sa banal na Qur’an, ay ipapalagay na taksil na pinagkaitan ng kanyang pagiging Muslim. Ang pagtataksil sa relihiyon ay tulad sa isang malaking paglapastangan, mula sa pananaw Islamiko. Hangga’t isuko ng tao ang kanyang paniniwalang di-Islamiko at magsisisi, siya ay mahahatulan ng kamatayan. Ang pananampalataya ay kinakailangang tanggapin sa kanyang kabuuan at, sa gayon, ang pagtanggi sa anumang pananaw ay nangangahulugan din ng pagtanggi sa lahat.  Samakatuwid, sinuman na tumatanggap ng siyamnapu’t siyam na bahagdan (99%) ng kanyang pananampalataya ngunit itinatanggi ang isang bahagdan (1%) ay itinuturing na isang di-mananampalataya.

Marahil ay makakatagpo ka ng mga Muslim na mga di-mananampalataya. Sila ay maihahalintulad sa sinuman na sumasapi sa isang pangkat politiko o lipunan – dumadalo sa lahat ng mga pagpupulong nito, binabayaran ang kanyang pagiging kasapi – at isinasagawa anuman ang hinihingi bilang kasapi, ngunit tumatangging tanggapin ang mga prinsipyo at nananatiling di-naniniwala. Ang taong ito ay parang sumapi sa pangkat o lipunan upang malaman lamang kung ano ang nangyayari doon o upang gumawa lamang ng kaguluhan. Ang Muslim na ito ay isang ipokrito – ang pagkukunwari ay inilarawan na ‘panlabas na pagpapahayag ng pananampalataya at paglilihim ng di-pananampalataya.’ Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi na ang ipokrito ay makikilala sa tatlong paraan: ang di-pagtupad sa kanyang pangako; at pagsisinungaling at pagtataksil sa ipinagkatiwala sa kanya. Ang ipokrito ay magpapahayag ng mga pangungusap ng pananampalataya at isinasagawa ang mga tungkuling pangrelihiyon, ngunit sa kaibuturan siya ay nananatiling di-naniniwala. Ang taong ito ay itinuturing na Muslim sa mundong ito ngunit hindi kay Allah ﷻ, na Siyang nakakaalam ng nakatago sa ating mga puso at ng kailaliman ng ating pagiging nilalang.

Sa buod, ang mga prinsipyong pangkalinangan ng Islam ay:

  • Pagbigkas ng pagpapatunay ng pananampalataya;
  • Pagsasagawa ng mga obligasyong mga dasal;
  • Pagbabayad ng Zakah (tulong);
  • Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan;
  • Pagsasagawa ng Haj (pagbisita) sa Makkah minsan sa tanang buhay, kung ito ay makakayanan;
  • Paniniwala sa mga anghel;
  • Paniniwala sa itinakdang kapalaran;
  • Pag-iwas sa alinman na ipinagbabawal ng pinagkasunduan ng mga Muslim.

Sa pangkalahatang pagsasalita, ang pagsunod sa Iman ay mas mahalaga para sa atin – mas maganda ang ating pakiramdam at magtatamasa tayo ng malaking gantimpala. Ito ang dahilan kung bakit, kahit na mahirap ang pananatili sa mga batas na ito ng sandaang bahagdan (100%), mas magaan ang ating damdamin kapag sinunod natin sila.

Ang ating Propeta Muhammad ﷺ ay binuod ang mga katangian ng isang tunay na Muslim sa isang maliwanag na pangungusap na naglalaman ng diwa ng pananampalataya at pagsasagawa: “Dapat mong sambahin ang Diyos na parang nakikita mo Siya.” Ang ibig sabihin nito ay kinakailangang tayo ay magsumikap na may kamalayang ganap sa kapanatilihan ng Diyos sa lahat ng panahon.

Ito ang pinakadiwa ng Islam – ang magkaroon ng kamalayan sa Diyos sa lahat ng ating mga gawain, totoo man sila o hindi. Ang Diyos ay patuloy na nakamasid sa atin at may kamalayan sa bawat kilos natin. Ito ang dahilan kung bakit sinuman na totoong may kamalayan sa Diyos ay susunod sa Kanyang mga batas, at hindi rin siya mawawalan ng pag-asa, dahil nalalaman niya na ang Diyos ay nasa sa kanya sa lahat ng oras. Ang taong naging matibay sa ganitong paraan ay hindi na mangangailangan pang humingi ng tulong mula sa sinuman dahil palagi siyang makakahingi sa Diyos na punan ang kanyang mga pangangailangan. At, kung sinuman ang susuway sa mga batas ng Diyos, dahil likas sa kanya ang magkasala, hangga’t sa siya ay humingi ng kapatawaran, ang Diyos ay patatawarin siya.

Ito ay isa lamang maikling buod ng pagpapakilala sa Islam.